Ecowaste naalarma sa talamak na bentahan ng rugby

NAALARMA na ang toxic watchdog na EcoWaste Coalition dahil sa talamak na paggamit ng rugby ng mga kabataan sa mga lansangan, na nakakasama sa kalusugan.

Ayon kay Roy Alvarez, pangulo ng grupo, mistulang nagbubulag-bulagan ang awtoridad at hindi umaaksiyon sa bentahan ng rugby glue, na may ‘toluene,’ sa mga out-of-school youth.

Ang ‘toluene’ ay clear at flammable toxic liquid na nakukuha mula sa coal tar o petroleum at kabilang sa listahan ng Table II ng 1988 UN Convention against Illicit Traffic in Narcotic Drugs and Psychotropic Substances.

Isa rin ito sa mga kemikal na kontrolado sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang pagsinghot ng toluene ay maaaring makapinsala sa utak ng tao, kabilang ang  central nervous system at iba pang vital organs, at nakakapagpabawas ng kakayahan ng dugo na magdala ng oxygen sa buong katawan.

Sa kabila naman ng ban sa over-the-counter sale ng rugby glue, sinabi ni Alvarez na marami pa ring kabataan, partikular ang mga batang lansangan ang patuloy na sumisinghot ng rugby.

Ani Alvarez, dismayado sila dahil sa harapan pa ng maraming tao ito ginagawa ngunit tila hindi inaaksiyunan ng mga awtoridad.

Ilan sa mga lugar anila kung  saan maraming solvent addicts na makikita ay sa ilalim ng MRT sa EDSA, Cubao at sa intersection ng Aurora Boulevard at Araneta Avenue at iba pang lugar na madalas tambayan ng mga ito.

Tinuligsa rin ng grupo ang pagbebenta ng mga hardware stores ng tingi-tinging rugby sa mga bata, na tila ba ito’y ordinaryong produkto lamang.

Ipinaliwanag nito na ang ‘toluene’ ay isang clear at flammable toxic liquid na nakukuha mula sa coal tar o petroleum.

Kabilang ito sa listahan ng Table II ng 1988 UN Convention against Illicit Traffic in Narcotic Drugs and Psychotropic Substances, at isa sa mga kemikal na kontrolado sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply