Edad sa Senior Citizens Act pabababain

PARA mas mapangalagaan ang kapakanan ng mga matatanda, ipinanukala  ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mas mababa pang edad na saklaw ng Senior Citizens Act.

Inihain ng senador ang Senate Bill bilang 2940 na layong isama ang mga nasa edad 55 bilang mga benepisaryo ng Senior Citizens Act.  Sa kasalukuyan, ang mga nasa edad 60 pataas lamang ang nabibiyayaan ng nasabing batas.

Ayon pa kay Revilla, tungkulin ng mga mambabatas na tugunan ang pabago-bagong pangangailangan ng bawat sektor ng lipunan.

“Hindi dapat na makuntento  tayo pagkatapos na makagawa tayo ng batas. Dapat na tiyakin natin na ang ating mga batas ay angkop pa rin sa kasalukuyan,” diin ng senador.

Sa ilalim ng panukala ni Revilla, ang mga nasa 55-anyos ay bibigyan ng sampung porsiyentong diskuwento sa mga establisyemento, pamasahe, hotel, restaurant at recreation

center. Parehong diskuwento rin ang makukuha nila sa pagbili ng mga medisina

Samantala, 20 porsiyento pa rin  ang ibibigay na diskuwento sa mga nasa edad 60 anyos pataas.

Ani Revilla, halos lahat ng sektor ng lipunan ay may kaukulang representasyon sa Kongreso, maliban lang sa mga senior citizen.

Binigyang-diin pa niyang dapat rebisahin palagi ang mga batas gaya ng Senior Citizens Act para maging angkop sa nagbabagong panahon at pangangailangan ng mamamayan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply