Edgar Allan Guzman trip si Eugene Domingo

ANG ganda talaga ng takbo ng career ng tinaguriang Indie Prince na si Edgar Allan Guzman. Isa na siyang certified Regal baby pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa film outfit ni Mother Lily Monteverde ng five-year, ten-picture contract.

Wish ni Edgar Allan na makasali siya sa isang episode ng “Shake, Rattle and Roll XIII” na entry ng Regal Entertainment sa 2011 Metro Manila Film Festival.

“Childhood dream ko ito. And isang pangarap ko na naman ang natupad. Ang feeling ay parang kapareho noong nanalo ako sa Mr. Pogi at nung manalo ako ng best actor award sa Cinemalaya,” aniya pa.

Naging best actor si Edgar Allan sa  “Ligo Na U, Lapit na Me” na ipalalabas sa mga sinehan simula September 7. Kapareha niya rito si Mercedes Cabral. Released by Regal Films na nakakuha ng R13 approved without cuts na rating mula sa MTRCB.

“Isang malaking karangalan na mapabilang ako sa roster of stars ng Regal,” aniya pa.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa Regal, sinabi ni Edgar na si Eugene Domingo .

Isa pang malaking break para kay Edgar Allan Guzman ay makasama si Kim Chiu sa isang espesyal na episode ng “Maalaala Mo Kaya” tonight, August 13, sa direksyon ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Hindi kaya si Edgar Allan ang next na pag-tripan ng Kimerald sa mga emails?

“Nagpapasalamat po ako kina Direk Cathy at Kim Chiu sa pagtanggap sa akin sa MMK. Isa ito sa mga projects na hindi ko malilimutan. Simpleng maganda at nakakaiyak ang kuwento, at tutok at alagang-alaga kami ng staff ng show. Maraming salamat sa pagkakataong makatrabaho sila…sa uulitin,” sabi ni Edgar na talagang nag-enjoy sa paggawa ng drama sa Kapamilya network.

Bagama’t hindi exclusive ang kontrata ni Edgar sa TV5, kinikilala niya ang pagpapahalaga sa kanya ng Kapatid Network kung saan mayroon siyang regular shows gaya ng The Sisters, Hey It’s Saberday at Lokomoko U.

Maswerte lang talaga si Edgar Allan dahil kinikilala na ang kanilang galing hindi lang sa pagkanta at pagsayaw kundi sa pag-arte rin.

***

Nag-react si Judy Ann Santos  nang tanungin tungkol sa mga nagti-tweet na may ibang babae diumano ang kanyang mister na kasama niya (Ryan) sa Eat Bulaga. Hindi siya naniniwala  t tigilan na raw ang ganyang isyu dahil walang katotohanan. Nagkakailangan tuloy sa show samantalang nagtatrabaho lang naman sila. Naniniwala si Juday na forever loyal ang kanyang mister.

“Nakakatawa na lang isipin ang galing nilang gumawa ng kuwento. Ang husay nila. Puwede silang mag-apply na writer ng mga teleserye. Nakakabilib kung paano nila i-push ang mga pinaniniwalaan nilang mga bagay. Ang galing ng kanilang mga imahinasyon. Kampante kami. kampante ako sa asawa ko na hindi siya ganoon. At very honest na tao si Ryan so hindi ako nadadala sa ganyan,” sey niya sa presscon ng bago niyang show sa ABS-CBN na Junior Masterchef, Pinoy Edition na magsisimula sa August 20

Tamaaaa!

***

INILILIHIM nga ba nina JM De Guzman at Jessy Mendiola ang kanilang relasyon? Ito ang inurirat sa kanya sa album launching ng kanyang self-titled debut album. Pero buong ningning niyang sagot ay crush niya si Jessy pero single siya ngayon.

May mga nagtatanong kung bakit sa Ivory Records siya gumawa ng album? Bakit daw hindi sa Star Records?

“Sila po ang unang nag-offer sa akin. Hindi naman po ako namili, actually. At saka ‘yung Ivory po talaga ang lumapit sa handler ko sa Star Magic. Nagkataon po, hindi naman nag-o-offer ang Star Records nu’ng time na ‘yun,” sey niya.

Happy si JM dahil nu’ng third week lang ng July siya ni-release pero top 1 siya ngayon sa Astro na mabenta.

Ang carrier single nito na “Carried Away’” ay sariling komposisyon din ni JM. Minutes lang daw niya ito ginawa.

Sino ang inspirasyon niya dun?

“Actually, masyado akong na-carried away dun sa emosyon ko at that time. Kumbaga, may ups and down tayo, di ba? Pinaka-downest ko so ang bilis lang talaga. Nasulat ko siya ng mabilisan.”

Ano ang dahilan ng emosyon na ‘yun?

“Babae. Non-showbiz. Kasama ko sa school. College. Mga 2005 siguro,” aniya.

Wala ba siyang ginawang kanta para sa 2010 para sa babae? Hindi mo ba ginawa ‘yung ‘Bata Pa Si Sabel’?

“Walang ganoon,” sagot niya sabay tawanan.

Sikretong-sikreto raw ‘yung relasyon nila ni Jessy?

“Matagal na akong single. Sumisigaw na ‘yung dugo ko nang pagiging single,” deklara niya.

Bakit nali-link sila?

“Oo pero wala naman talaga, crush ko lang siya,” pagdi-deny niya.

After ng “Mula Sa Puso,” ano ang next project niya?

“Sa ngayon nagdadasal pa rin ako na sana masundan agad. Pero kilala ko na ang sarili ko, pag wala akong trabaho hindi ako puwedeng mapakali sa isang lugar, kakatihin ako mag-i-indie ako, magpi-play ako ulit,” aniya pa.

Pero sa ngayon nagkakasakit na si JM dahil tambak ang mga schedules niya.

“Tatlong araw na nga akong may lagnat dahil sa puyat sa trabaho.Pero, hindi ako nagrereklamo, happy pa rin. Sana masundan, sana makita ang effort ko,” sey pa niya.

Gusto ba niyang maging John Lloyd Cruz?

“Wala namang John Lloyd Cruz dahil John Lloyd Cruz na ‘yun pero magandang sabihin na gayahin ‘yung yapak niya at kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko puwedeng sabihing hindi dahil very successful actor na siya.

Anyway, pinaka-paborito ni JM sa album niya ang ‘Carried Away.’ Isa pang kanta na sinulat niya ay ‘Give You To The World.’ Mapakikinggan din ang  sarili niyang interpretasyon sa ‘Pagdating ng Panahon,’ ‘Out of My League,’ ‘Bizarre Love Triangle,’ ‘Collide,’ ‘True,’ ‘Kiss Me,’ Yakap sa Dilim, Sa May Bintana and Nothing Compares 2 You.

May mall tour siya sa Aug. 28 (SM Clark), September 4 (SM Sta. Rosa), Sept. 10 (SM Bacoor), Sept. 11 (SM Bicutan) at Sept. 25 (SM Cebu).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply