Ellen Adarna, bagong image model ng alcoholic drink ng isang big company

NAPANSIN agad si Ellen Adarna sa unang sabak pa lang niya sa showbiz via “Bubble Gang” at sa natapos na programang “Captain Barbell.” Aba’y pumasok siya bilang No. 9 sa Top Ten ng FHM model cover girl ng men’s magazine. Tapos, ngayo’y kinuha na siya bilang image model ng isang alcoholic drink. SIya ang magiging modelo sa buong isang taon bilang endorser ng iba’t ibang  brand ng drinks na gawa ng isang big company.

Wala nang masabi pa si Ellen sa tinamong tagumpay ngayon sa showbiz. Kasi, bukod sa endorsement ay nakatakda siyang makasama sa isang soap na may titulong “Daldakina.”

Marami kasing natuwa kay Ellen sa Bubble Gang bilang isa sa members ng Bubblets na kinabibilangan nina Sam Pinto, Gwen Zamora at Jackie Rice. Pawang malalaking artista na rin ng GMA dahil may kanya-kanya ng programa sa network.

***

Alden Richards: Nagkasakit din ng ilang araw dahil sa over fatigue

HINDI napagkikita si Alden Richards pagkatapos ng big presscon ng “Tween Academy, Class of 2012” dahil nagkasakit siya ng over fatigue. Nilagnat siya ng 40 degree fahrenheit. Hindi naman na-ospital si Alden, bagkus nagpa-doctor siya sa kanilang family doctor. Recommend sa kanya ay complete rest.

Ngayo’y okay na ang kalagayan ni Alden at nakapagre-report na siya sa kanyang mga daily assignment tulad sa set ng “The Road,” ang trilogy movie ng GMA Films. Kasama rin siya sa “Panday” movie ni Sen. Bong Revilla.

Mapapanood pa rin siya bilang guest sa “Tween Hearts” ngayong Sunday pagkatapos ng “Party Pilipinas.”

Ngayong Sunday, mapapanood sa Tween Hearts ang mga pangyayaring: Pagkatapos ng pagtatanggol ni Jacob (Jake Vargas) kay Belinda (Bea Binene), makikita ng barkada na mas dumarami ang supporters ng kaibigan nila. Pero patuloy pa rin na ipagmamalaki ni Kit (Keith Thompson) na siya ang mananalo para maging Student Council president!

Hindi pa man proklamado ang panalo, magsisimula na rin sina Rick (Derrick Monasterio) at Chris (Kristoffer Martin) sa pagpa-plano ng victory party ni Jacob kung saan makikilala nila ang isang sexy na bar owner!

Meanwhile, papakiusapan nina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio) si Ian (Hiro Magalona) na ‘wag munang ipagkalat ang tungkol sa relationship nilang dalawa lalo pa’t hindi pa ito nasasabi ni Bambi sa mga magulang niya.

Papayag si Ian. Pero imbes na makatulong magtago ng sikreto, si Ian pa ang magiging mas praning at mas OA sa barkada tuwing mababanggit sina Bambi at Josh! Mabubuking na nga ba nang tuluyan ang secret lovers?

***

MULI na namang mapapanood si Sen. Bong Revilla sa “Kap’s Amazing Stories” ngayong Linggo. Muli tayong magbabalik tanaw sa Kap’s Amazing Stories nahalaw sa pinakanakamamanghang episode mula sa Planet Earth ng BBC.

Binuo sa loob ng limang taon at ginastusan ng higit P1 milyon, ipapamalas ng BBC sa atin ang isa sa mga lugar na kanilang ginugulan ng atensiyon, ang tubig tabang.

Sa pamamagitan ng Kap’s Amazing Stories, dadalhin tayo sa malamig at nagyeyelong lawa ng Baikal sa Siberia kung saan sa unang tingin maaaring isipin na isa itong walang buhay na lugar. Sa malapitan, mamangha tayo sa rami ng buhay sa naturang lawa. Bibisitahin din natin ang pinakamalaking ilog sa buong mundo, ang ilog ng Amazon. Mula sa isang dambuhalang lugar pupunta din tayo sa isa pang gigante, ang Delta ng Bangladesh kung saan huling dumadaan ang tubig mula sa Himalaya bago ito umabot sa karagatan.

***

TALAGANG pinaghahandaan mabuti ang Pepito Manaloto taping. Laging prepared si Michael V sa taping nito at pati ang istyorya ay pinag-iisipan niyang mabuti. Kasi si Michael V, bilang Pepito ay siya ring creative director ng first reality comedy sa telebisyon na sadyang tinanggap ng tao bilang kanilang fan fare tuwing Sunday evening para tuklasin ang buhay mayaman ni Pepito. Yumaman siya dahil nanalo ng P750,000,000 sa Lotto draw. Nakatutuwang panoorin ito dahil bilang  bagong mayaman ay maraming kapalpakan na nagaganap kay Pepito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply