Emotional stress posibleng dahilan ng impeksyon ni GMA—Dr. Cervantes

EMOTIONAL stress ang tinitingnang dahilan kung bakit madaling tinamaan ng impeksyon si Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo sa naunang operasyon nito sa cervical spine.

Ayon sa panayam ng dzMMkay ni Dr. Juliet Cervantes, attending physician ni Arroyo, hindi nila inaalis na posibleng humina ang immune system ng dating pangulo dahil sa mga kabi-kabilang problemang kinakaharap ng pamilya nito.

Base pa sa pahayag ni Cervantes, ginawa naman nila ang lahat upang matiyak na maayos ang ikalawang operasyon para ayusin ang natanggal na screw sa titanium implant nito.

Sinabi pa ni Cervantes, tiniyak naman ng St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig na malinis ang lahat ng instrumentong ginamit sa operasyon kaya nakakapagtakang tinamaan pa ito ng infection.

Nabatid pa kay Cervantes, nakita ang infection sa may lalamunan ni CGMA na posibleng gumapang hanggang sa may gulugod ng dating pangulo kung saan isinagawa ang operasyon.

Posible aniyang humina ang resistensya ng dating pangulo na kahit ang bacteria na karaniwang nasa lalamunan ay hindi nito nalabanan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply