Empleyado ng NFA nalunod sa Dagupan

NALUNOD ang isang empleyado ng National Food Authority nang tumaob ang sinasakyang bangka sa Dagupan City, Pangasinan kahapon.

Kinilala ang biktima na si Joey Bruno, 32, ng Barangay Umangan, bayan ng Mangatarem.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa Calmay River sa Sitio Tocok, Barangay Lucao sa Dagupan City.

Nabatid na kasama ni Bruno sina Alvin Decano, Narciso Valdez at ang siyam na taong gulang na si Wilson Ordanza nang tumaob ang bangka.

Nakalangoy naman ang iba patungong pantalan habang si Bruno ay tinangay ng agos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply