Empleyadong papasukin sa holiday may dagdag na bayad– Dole

NAGPALABAS ngayon (Martes, Agosto 23) ng kautusan ang Department of Labor and Employment (Dole) na nag-aatas sa mga pribadong kompanya na bayaran ang mga papasukin na empleyado sa Lunes (Agosto 29) at Martes (Agosto 30) na kapwa itinalagang regular holidays ng Palasyo.

Ang dalawang nabanggit na araw ay para sa pagdiriwang ng National Heroes Day at Eidl Fitir o pagtatapos ng Holy Month ng Ramadan.

Ayon sa Dole, 200% o double pay ang makukuha ng isang empleyadong papasok sa mga naturang araw at may dagdag na 30% sa suweldo sa kada oras na pagtatrabaho kapag lumampas na sa walong oras.

Samantala, kung day off naman subalit papasok sa mga naturang araw makakukuha ng 260% ng kaniyang suweldo ang isang empleyado at dagdag na 30% sa bawat oras na pagtatrabaho na lampas na ng walong oras.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply