Endangered bird species nakumpiska ng PCG

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 71 ibon na itinuturing na endangered species na ibinibiyahe mula Palawan patungong Maynila, iniulat ngayon, Huwebes.

Ito ay matapos makatanggap ng tip si Robert Jaboli, Municipal Environment Officer ng El Nido, Palawan sa El Nido Coast Guard Detachment (CGDet) hinggil sa pagsasakay umano ng mga nasabing ibon sa M/V Assuncion-4.

Kasama ang ilang tauhan ng Municipal Environment na nagsagawa ng inspeksyion, ay agad na rumesponde ang PCG vessel BRP Davao Del Norte (SARV-3504).

Sa top deck ng barko nakuha ang 71 ibon na kinabibilangan talking Mynah (Kiyaw), 42 green Parrot (Pikoy) at isang Cockatoo (Katala) na tinatayang nagkakahalaga ng P145,000.00.

Nakilala naman ang mga may-ari at may dala ng mga ibon na sina  Phibe A Trujello, 45, ng Baltan St., Puerto Princesa City, Palawan; Grace M Diaz, 31, ng POB Quezon, Palawan; Ninfa P Cordero, 50, ng Waling-waling, Liberty, Puerto Princesa City, Palawan at Aida D Oab, 50, ng New Buncag, Puerto Princesa City, Palawan.

Agad na ring nag-isyu ang CGDet El Nido personnel ng Maritime Violation Report (MVR) laban sa M/V Assuncion-4 dahil sa paglabag sa Memorandum Circular 120 ng Maritime Industry Authority (Marina).

Pinagpapaliwanag rin ng Marina ang kapitan ng barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply