Endangered species nasabat sa Maynila

ILILIPAT sa pangangalaga ng Manila Zoo ang tatlong uri ng dangered species na nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District-District Intelligence Division Miyerkules ng gabi sa Tondo,Maynila.

Matapos ang isinagawang inagurasyon ng dalawang steel footbridges sa CM Recto kanto ng Jose Abad Santos Ave. at Parola Road ay ipinrisinta ni Manila Mayor Alfredo Lim, sa mga mamamahayag ang isang serpent eagle, 69 na piraso ng Myna birds at 17 pirasong tortoise isang uri ng endangered na turtle na inutos niyang ilalagak sa nabanggit na zoo para maalagaan at makadagdag na rin sa atraksyon doon.

Ang mga nabanggit na endangered species ay nakumpiska ng mga tauhan ni P/Supt. Ernesto Fojas, hepe ng MPD-DID sa may Katamanan St. Tondo, Maynila dakong alas-10:00 ng gabi.

Ayon kay Fojas,isang impormante ang nagbigay sa kanya ng tip, kaugnay sa paparatig na endangered species.

Naaresto rin sina Luz Estacio, 56,ng 190 Katamanan St.Tondo; James Ferolino,29 at Jake Vargas, 28. na parehong taga-Liberty, Puerto Princesa, Palawan.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 sa Manila Prosecutor office.

Nabatid kay Engr. Deogracias Manimbo, director ng Manila Zoo, na nagkakahalaga ng P2,000-P2,500 ang kada piraso ng Myna at ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang hayop ay P250,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply