Entrance exam fee ipinatitigil na ng solon

IPINAHIHINTO na ni Taguig Rep. Sigfrido Tinga ang pangongolekta ng entrance examination fees ng mga kolehiyo at unibersidad sa mga mag-aaral na papasok pa lamang.

Ayon kay Tinga, ang bayad sa entrance exam ay mistulang visa na kung walang pang-cash ang isang estudyante ay nawawalan din ng oportunidad na makapasok sa kolehiyo.

Sa kaniyang privilege speech ay tahasang sinabi ng kongresista na ang sistemang ito ay pabigat o balakid upang makapagpatuloy sa kolehiyo ang isang mahirap na estudyante.

Masyado aniyang mabigat ang P500 kinokolekta sa entrance exam na tila nagiging negosyo na ng mga pribadong eskuwelahan at mga state colleges at universities.

“These may not large amounts but for a family that is barely making ends meet, these fees can be enough to convince a parent that college is much too large an undertaking for their children,” ani Tinga.

Giit pa ni Tinga, ang mga education institution ay binibigyan ng malaking tax breaks para maibalik nito ang serbisyo sa edukasyon partikular sa sektor ng mahihirap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply