Erap kay Gloria: ‘Puro pagnanakaw lang ang sakit’

IRITABLENG sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na puro sakit lamang ng pagnanakaw ang nararamdaman nina pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at mister nito na si Mike Arroyo para hindi maharap ang akusasyong nagdadawit sa kanila sa mga kontrobersiya.

Kasabay nito, hinamon din ni Estrada si GMA na harapin ang isyu ng dayaan sa nakaraang 2004 at 2007 elections, habang si Mike Arroyo ay ang bentahan ng helicopter sa PNP.

Sinuportahan naman ni Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim ang nasabing panawagan ni Erap.

Si Ibrahim ay nasa bansa ngayon para sa isang speaking engagement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply