‘Estafa queen’ tiklo sa Rizal

RIZAL– Bumagsak sa isinagawang “oplan saliksik” ng Rizal PNP ang isang kilabot na estapadora habang papalabas ng simbahan kahapon ng tanghali sa Antipolo City.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang nahuli na si Dolores Barion Encabo na kilala sa mga alyas na Nenita Dolores B. Palacios, Nenita Dolores Umandap, Mercy Gonzales at Marineth Gonzales, 42 at residente ng 7 F. Diamond St. North Fairview, Quezon City.

Ang suspek ay natimbog sa bisa ng alias warrant na inilabas ni Hon. Judge Ofelia Tuazon-Pinto ng Angeles City Regional Trial Court Branch 60 sa kasong large scale estafa at warrant of arrest sa sala ni Hon. Judge Ismael Casabar ng San Mateo Regional Trial Court Branch 77 sa kasong estafa.

Ang suspek ay nakakuha ng mahigit kumulang sa P28 milyon sa lumutang na biktima na ayaw magpabangit ng pangalan.

Ayon kay Maj. Dante Yang, ng Intellegence Section ng Rizal PNP, dakong 12:00 ng tanghali ng arestuhin ang suspek habang papalabas ng Our Lady of Good Voyage sa Antipolo City.

Matapos na madakip ay nagdagsaan ang mga nabiktima ng suspek mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga at iba pang bahagi ng Luzon.

Pansamantalang nakadetine ang suspek sa lock-up jail ng Rizal PNP bago dalhin sa iba pang korte na naglabas ng arrest warrant.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply