Estudyante nilasing saka niluray ni titser

KULONG ang isang titser matapos ireklamo ng panghahalay sa dalagitang estudyante sa Caloocan City Martes ng gabi, Agosto 23.

Kinilala ang suspek na si Daniel Griño, 51, teacher ng Talipapa National High School at residente ng Kingstown, Bagumbong.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Jenny, 14, 3rd year high school ng nasabing eskuwelehan, kamakalawa ng hapon ay niyaya siya ng mga kaklase na mag-inuman sa bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Dahil titser naman nila ang suspek ay pumayag ang biktima at pagdating ay agad na nag-inuman kasama si sir.

Nalasing ang biktima at dakong alas-8 ng gabi ay nagising na lamang na nasa kuwarto na ng suspek at walang saplot sa katawan.

Masakit din ang ari ng biktima na agad bumangon at nagbihis bago nagmamadaling umuwi.

Nagsumbong sa mga magulang ang biktima na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipinadakip si sir.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply