Estudyante tiklo sa pagbebenta ng marijuana

SWAK sa kulungan ang isang 3rd year high school student na lalaki matapos itong ipagkanulo at ipahuli ng principal ng paaralan sa aktong pagbebenta ng marijuana sa kamag-aral Martes ng hapon sa Caloocan City.

Ang suspek na nakapiit ngayon sa selda na Caloocan police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o pagbebenta ng droga at illegal possession of deadly weapon, ay nakilalang si Ramon Alberto y Misa, 18, binata at residente ng Blk 38, Lot 16, Alimasag Kapak St., Kaunlaran Village ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Staion Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Caloocan City police, alas-2:00 ng hapon ng maaresto ang suspek sa loob ng compound ng Macario Asitio Senior High School 1 Annex Caloocan.

Sa ulat, matapos na makatanggap ng reklamo ang principal ng nasabing paaralan na si Gng. Violeta Sioson agad nitong inireport sa barangay ang nasabing reklamo.

Agad namang tumalima ang kagawad ng barangay na si Rommel Del Prado kasama ang kanyang mga tanod at naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng marijuana sa kanyang mga kamag-aral.

Nakumpiska kay Alberto ang anim (6) na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na ipinagbibili sa mga biktma ng halagang P20 bawat sachet at isang patalim na nakasukbit sa baywang.

Ang suspek ay dinala ng mga tanod sa tanggapan ng SAID at nakatakdang sampahan ng pormal na kaso sa piskalya ng Caloocan City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply