Eugene Domingo In Love Again At 40

KUWARENTA anyos na pala si Eugene Domingo, at inamin n’ya sa isang press conference kamakailan na ang isa sa mga pangarap n’ya ngayon ay ang makapag-asawa.
May mga nanliligaw ba naman sa kanya?
Sana, yon na lang ang itinanong kay Eugene nung isang kasamahan namin sa panulat kesa yung “Fertile ka pa ba?” Opo, nung press-con sa ABS-CBN para sa pelikula n’yang Ang Babae sa Septic Tank, may reporter na walang takot na nagtanong nu’n sa kanya.
I think it’s well known naman na napakaraming babae ang fertile pa at 40 though it is believed na problematic na ang pagbubuntis at panganganak pag 40 years old na ang babae. Kaya dapat ang itinanong na lang kay Eugene ay kung may nanliligaw man lang ba sa kanya.
Hindi naman pangit si Eugene, pero di rin naman siya kagandahan. Pero mayaman na siya, at nakaka-afford nang magpa-treatment para mabawasan ang timbang n’ya at magkakorte ang katawan. Hindi siya mahinhin at hindi malamya. Parang hindi siya babaeng-babae. Hindi siya boba, kundi biba. At parang matalino naman siya. Parang nagbabasa naman siya at nag-iisip nang malalim. At parang maganda naman ang values n’ya. Pinatawad nga n’ya yung isang unknown indie film director na nagyabang kamakailan. May itinatago naman pala siyang sweetness sa ngayo’y lumiliit na n’yang katawan!
In short, parang okey namang maging misis at ina ng mga anak nino man si Eugene Domingo.
May mga lalake kayang magkalakas ng loob na manligaw sa isang gaya ni Eugene na napakataas na ngayon ng estado sa entertainment industry?
Mga lalake lang na di marunong ma-intimidate ang makakaporma sa kanya. Okey lang maski na mas bata sa kanya, basta kaya lang nitong panghawakan ang dignidad n’ya at pagkalalake n’ya pag lumalabas ang taray ni Miss Domingo. Sabi nga n’ya mismo nung press-con, okey lang na makapangasawa siya ng mas bata sa kanya, o hindi mayaman, basta lang hindi yung siya pa ang bubuhay sa mister n’ya.
Nung press-con, dahil palaging nakahawak si Eugene sa braso o sa hita ni Kean Cipriano (na nasa cast din nga ng pelikula), tinukso sila ng press na mukhang may nadi-develop sa kanila. Walang takot din ngang tinanong ng isang reporter si Kean kung pwede siyang ma-in love kay Eugene na halos 20 taon ang tanda sa kanya. Pwede naman daw, pa-sweet na sagot ng singer na handa na ring maging artista ngayon.
Pero sabi naman ni Eugene, hanggang sa syuting lang nila at sa press-con na yon siya nagpapa-sweet kay Kean at kay JM de Guzman na kabilang din sa cast ng pelikula kaya andu’n din sa press-con. Hindi naman daw sila nagkikita-kita sa labas. Nang sinabi n’ya yon, wala naman ni isa kina Kean at JM na nag-offer na i-date ang matandang dalaga ng aktres.
Actually, di nilinaw ni Eugene kung ang priority n’ya ay maging misis o ang magkaanak. May mga babae ngayon na gustong magkaanak kahit na walang permanenteng asawa. Ganu’n si Cherie Pie Picache, na nakipaghiwalay na sa ama ng anak n’ya. Ganu’n din si Jaclyn Jose ( na ang mga anak ay may iba’t ibang ama).
Hindi rin nilinaw ng multi-awarded actress kung ang ibig n’yang sabihin sa “asawa” ay yung pinakasalan siya o yung nakikipag-live-in lang sa kanya.
In any case, baka mas pang-foreigner ang beauty ni Eugene kesa pang-Pinoy. Parang mas mahirap ma-intimidate ang male foreigners sa stature ni Eugene kesa sa mga Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply