Ex-MNLF commander nawawala

NAWAWALA simula pa nitong Miyerkules ang dating commander ng Moro National Liberation Front  (MNLF) ngayon ay isa ng haligi ng kapayapaan na si Akbari Samson.

Ang dating rebelde ay pangulo na ngayun ng Eleven Islands Neighborhood Association (EINA), kooperatiba ng aquaculture, kung saan ang mga miyembro ay dati ring mga rebeldeng MNLF.

Ayon kay Zamboanga City Police Office director Senior Superintendent Edwin de Ocampo, nagsagawa na ng pag-iimbestiga ang mga pulis sa misteryosong pagkawala ni Samson.

Sa unang imbestigasyon , napag-alaman na sakay si Samson ng kanyang personal na bangka dakong alas-5 ng hapon noong Miyerkules pauwi sa kanyang bahay sa Taluksangay.

Pagsapit ng alas-11 ng gabi, natagpuan ang bangka ni Samson ng mga pulis malapit sa Layag-Layag Island, Barangay Talon-Talon, limang kilometro sa Timog ng Zamboanga City pero wala ang biktima.

Si Samson ay dating lider ng puwersa ng MNLF noong kasagsagan ng rebelyon na nakabase sa 11 isla ng Zamboanga, sumuko si Samson sa pamahalaan noong 1996 at naging aktibong miyembro ng mga grupo para sa kapayapaan sa Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply