Ex-NBI regional director binoga sa Pangasinan

PATAY sa loob mismo ng opisina ang isang dating National Bureau of Investigation (NBI) director nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa Pangasinan.

Idineklarang dead on arrival sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa dibdib si Atty. Leonardo Jimenez Jr., dating NBI regional director ng Tacloban, Nueva Ecija at Baguio.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9 Martes ng gabi Agosto, 16  sa sariling opisina ng biktima sa Barangay Poblacion, Aguilar.

Bago ito, nabatid na abala ang biktima sa pinipirmahang mga papeles sa loob ng kanyang opisina nang bigla na lamang pumasok ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ang biktima.

Narekober sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply