Ex-Rep. Singson makikinabang sa ‘prisoner’s swap’

NAPIPINTO ang maagang pagbabalik sa Pilipinas ni dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sakaling magkasundo ang pamahalaang Pilipinas at Hong Kong kaugnay sa tinatawag na ‘prisoner’s swap.’

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng kagawaran na pina-plantsa na ng dalawang bansa ang isang kasunduan na magbibigay pahintulot sa dalawang bansa na payagan ang pagpapalit ng mga bilanggong nakakulong sa kani-kanilang bansa.

Sa ilalim ng ‘Philippine-Hong Kong SAR Transfer of Sentenced Persons Agreement (TSPA), limang bilanggong HongKong nationals na nasa pambansang piitan ang makikinabang habang walong kababayan naman ang ikukulong sa Bilibid prisons upang dito na lamang padusahan ang parusang iginawad sa kanila.

Bagama’t walang ibinigay na mga pangalan ng bilanggo ang DFA, naniniwala ang ilan opisyal dito na kabilang sa makikinabang sa inaayos na kasunduan ang dating mambabatas na nahatulan na makulong ng dalawang taon sa Hong Kong sa kasong drug possession.

Bukod kay Singson, makikinabang din sa kasunduan ang isang Pilipina na nahatulan noong 2006 ng 12 taong pagkakakulong nh HK Court of First Instance. Hindi naman nabanggit ng DFA kung ano ang kasong inasunto sa overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi pa ng kagawaran, na nakikipag-ugnayan na ang konsulado ng Pilipinas  sa pamahalaang HongKong upang busisiin ang mga dokumentong kailangan sa pagpapatupad sa nasabing kasunduan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply