Exit visa handa na para sa uuwing OFWs galing Syria

PLANTSADO na ang mga travel document para sa paglikas ng mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa bansang Syria.

Ang travel documents ay inihanda na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang para sa pagpapa-uwi sa unang batch ng mga Pilipino na boluntaryon ililikas sa Syria.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, inihahanda na ng kanilang ahensya ang exit visa at ilang dokumento ng 60 Pilipino na nagdesisyong umuwi na ng bansa.

Sa ngayon ay wala pang update ang ipinadalang Philippine Response Team na siyang inatasang magmomonitor sa mga kababayan nandoon.

Samantala, inihayag rin ni Hernandez na hindi pa naman kailangan ng “mass repatriation” bagama’t hinihikaya’t na nila ang mga Pinoy na lisanin na ang nasabing bansa bago pa lumala ang sitwasyon.

Kaugnay nito, nagpapasaklolo naman kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang ilang Filipino domestic helper (DH) sa Syria na pinagbabayad umano ng kanilang amo bago pauwiin sa Pilipinas.

Sinabi ni isang DH na $5,000 ang hinihingi ng kanyang amo na dapat niyang bayaran dahil ito raw ang halagang nagastos nila sa kanya.

Hindi aniya makatakas ang DH sa poder ng amo dahil sa dami ng checkpoint.

Inihayag naman ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na ipaaabot ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang apela ng mga OFW sa Syria para matulungan sila sa pagkuha ng exit clearance. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply