Expanded ARMM magdadala ng kapayapaan – Trillanes

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Antonio Trillanes na tuluyang malulutas ang problema sa kapayapaan sa Mindanao kung palalawakin ang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at pahahalagahan ang ethnic groups.

Sa panayam nitong Sabado, Agosto 20, sinabi ni Trillanes na espekulasyon pa lamang ang sub-state na isinusulong ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa government peace panel dahil wala pang pormal na paghahain ng mungkahi.

“Sa ngayon, the term sub-state itself hindi pa formally nilalatag sa mesa kaya everything na lumalabas na ganito ang mga demand, speculation pa lang. We’ll just have to give the negotiating panel some room until i-presenta nila sa atin kung ito talaga ang hinihingi ng MILF and that’s the time we should comment and analyze kung p’wede o hindi,” ayon kay Trillanes.

Sa ganitong punto, sinabi ni Trillanes na mas makabubuting isagawa na lamang ang expanded ARMM na sasakupin ang MILF bilang bahagi ng teritoryo ng awtonomiya upang tuluyan nang maganap ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

“We should be open to that for the sake of peace pero kailangan babantayan natin baka mas lalala kasi yung problema that will happen in the future,” ayon kay Trillanes.

“Kailangan dapat guarded din tayo. Sa akin, iyan ang nakikita ko, bigyan sila ng room doon sa ARMM. In fact ang iniisip ko nga is to divide the ARMM into several areas that will confront to the different ethnic groups,” ayon pa kay Trillanes.

Nilinaw ni Trillanes na hindi ihihiwalay ang sinuman sa ARMM, bagkus hahati-hatiin lamang ang lugar alinsunod sa ethnic groups na siyang pagkakamali ng batas dahil hindi isinaalang-alang ang grupong etniko na nagtutunggali sa rehiyon.

“ARMM pa rin, Autonomous Region in Muslim Mindanao pero divided lang according to their ethnic groups. Kasi ang pagkakamali lang ng nag-draft nitong ARMM, itong Organic Act eh ni-lump nila yun, pagka sinabing Muslim isa yan, kaisa sila,” paliwanag ng senador.

“Kasi yan sila iba’t-ibang ethnic groups yan. Iba’t-iba ang kultura nila so hindi na-factor in yun. Kita mo ang headquarters ng ARMM supposed to be Cotabato pero nandodoon sa Zamboanga. Pag Tausug ‘yung nakaupo, hindi pumupunta ‘yan sa Central Mindanao,” paliwanag ng mambabatas.

“Ganoon din eh, mayroong ganoong nuances na hindi na-factor in. So maybe with the involvement of MILF, maybe we can refigure the ARMM pero ARMM pa rin,” pagtatapos ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply