FB, Twitter, Youtube bawal na sa DENR

BAWAL na ang paggamit ng mga social networking websites (SNWs) sa lahat ng opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon sa utos ni Sec. Ramon Paje.

Magsasagawa umano sila ng software audit sa lahat ng desktop at laptop computers na connected sa internet server sa DENR Central Office sa Quezon City.

Ani Paje, maraming empleyado ng DENR ang nakakapasok sa mga ipinagbabawal na websites, gamit ang international proxy servers upang malusutan ang firewalls na inilalagay ng DENR Management Information Systems Division (MISD).

Noong Abril, nag-isyu si Paje ng Memorandum Circular (MC) 2011-04 na nagbabawal sa paggamit ng Facebook, Twitter, Friendster, Multiply, Meebo, Bebo at iba pang social networking websites, kasama na ang online at offline games pag oras ng trabaho.

Ipinagbawal umano ito upang mapalakas ang “productivity ” ng mga DENR employees.

Gayunman, nakakalusot pa rin umano ang ibang empleyado.

Dahil dito, inatasan ni Paje si Assistant Secretary for Internal Audit and Anti-Corruption Daniel Nicer na aksyunan ito.

Sa ilalim ng Section C, Rule IV of Civil Service Commission Memorandum Circular No. 19, s. 1999, Resolution No. 991936 o Revised Uniform Rules on Administrative Cases ing Civil Service, ang government employee na makagawa ng administrative offense ay haharap sa reprimand o warning sa first offense, suspension sa second at tatanggalin na sa serbisyo sa ikatlong paglabag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply