FBI ipinatutugis na si Lynard Allan Bigcas
NAGBIGAY na ang Federal Bureau of Invetsigation (FBI) ng mga dokumento sa awtoridad ng bansa para sa pagtugis kay Lynard Allan Bigcas kaugnay sa kaso nitong smuggling ng luxury vehicles.
Ito ang kinumpirma ni Ilocos Norte Representative Rodolfo Farinas nang makakuha ng kopya ng report ng National Bureau of Investigation (NBI) na may petsang Agosto 2 na nagsasaad ng mga dokumento mula sa naging imbestigasyon ng FBI sa ilegal na aktibidades ni Bigcas sa United States.
Ang nasabing dokumento mula sa FBI ay naglalaman ng mga pangalan ng mga naging ka-deal ni Bigcas sa kanyang car and motorcycle business at iba pang records tulad ng customs records na nagpapakita ng pagpadala nito ng shipment sa Pilipinas sa pamamagitan ng containers at balikbayan boxes.
“The noose is tightening on Mr. Bigcas,” ani Farinas, vice chairman of the justice committee na siyang nag-iimbestiga ng smuggling activites sa ginanap na news conference sa Kamara.
Sinabi ng mambabatas na ang mga impormasyon mula sa FBI ay malaking bagay ito sa mga ahensiya ng gobyerno na tumututok sa kaso ni Bigcas tulad ng Department of Justice, Bureau of Customs (BoC) at ng NBI.
Noong nakaraang June, ipinatawag ng BoC si Bigcas at lima pang kasamahan nito sa pagdadala ng 29 luxury motorcycles at cars sa bansa na walang sapat na bayad sa customs duties and taxes.
Kabilang sa listahan ng BoC sa 29 cars and big bikes ang custom-made Martin Bros. chopper— na umano’y ninakaw sa Houston, Texas, at natagpuan sa Pilipinas.
Kasama rin sa listahan ang Mitsubishi Lancer Evolution, Chevrolet Tahoe, Chevrolet Corvette, Dodge Charger, Toyota Sequoia, Ranger RZR Utility Terrain Vehicle, Polaris Magnum, Yamaha Ultramatic, Moto Elf, anim na Suzuki bikes, Kawasaki Ninja at dalawang Kawasaki bikes, Honda stunt bike at lima pang Honda bikes, Harley Davidson at tatlong Yamaha.
You must be logged in to post a comment Login