Feeling ni Sam Pinto siya pa ang mag-aalaga kapag pumatol sa bagets

NATULOY na kahapon (August 5) ang date nina Sam Pinto at Alden Richards na ibinulgar din mismo ni Sam na may TV coverage ang date nila ng bagets.

Pero alam ba ninyo na mas unang nagka-crush ang bagets na si Jake Vargas kay Sam bago si Alden?

Ibinulgar at inamin ito mismo ni Jake sa presscon ng movie nilang Tween Academy: Class of 2012 sa 17th floor ng GMA 7.

Nagtatawanan at nagbibiruan pa sina Jake at Alden nang magkita sa presscon kaya naman flattered si Sam na kasama rin sa movie.

Ask ko si Sam kung sakaling ligawan siya ni Alden ay may pag-asa ba ang bagets?

“Ayoko ko sa bagets. Ako pa ang mag-aaalaga,” nakangiting pahayag ni Sam na super seksi at slim na slim pa rin kaya tinanghal na number one Sexiest sa isang mens’ magazine.

Anyway, bumawi naman si Sam sa actual presscon na kung saan magkakatabi sila sa presidential table para sa question and answer portion.

Nagpasalamat si Sam sa dalawang bagets na may crush sa kanya. Pero bigla na naman itong naging taklesa nang sabihin: “Parang ate ninyo na lang ako.”

Pag-amin naman ni Alden na parang school boys crush lang naman ang nadama niya para kay Sam at bata pa siya para seryosohin ang panliligaw.

***

SA presscon pa rin ng Tween Academy: Class of 2012 nakatsikahan namin si Louise delos Reyes na magde-debut sa September 1.

Ayon kay Louise, ayaw sana niyang magkaroon ng malaking birthday celebration pero di raw pumayag ang GMA management.

So, sasagutin na niya si Enzo Pineda, masugid niyang manliligaw sa kanyang debut?

“Hindi pa po. Bata pa rin po kami. Basta okey naman si Enzo. Okey din sila ng Daddy ko. Madalas silang nagkakausap sa bahay kapag dumadalaw siya (Enzo),” pahayag ni Louise na dalagang-dalaga na ang dating.

Naipagtapat din ni Louise na bukod tanggi si Enzo lang daw ang umakyat sa kanilang bahay na binababaan ng kaniyang daddy at nakikipagkuwentuhan. Yun iba raw ay hindi binababa ng kanyang ama.

Isa nga raw na dumalaw na rin sa kanilang bahay ay si Alden Richards na binababaan din daw ng Daddy niya pero hindi nakikipagkuwentuhan na ginagawa kapag dumalaw si Enzo.

Ask ko uli si Louise kung may pag-asa ba talaga si Enzo sa kanya. From 1 to 10 ay 8 daw ang score na may pag-asa si Enzo.

Si Alden naman kung sakaling itinuloy ang panliligaw sa kanya. Again from 1 to 10, kaagad na score ni Louise ay 5 daw.

Pero ang ikinagulat ko at katabing mga reporter ay nang sabihin ni Louise na kung itinuloy raw ni Alden ang panliligaw ay malaki raw ang pag-asa nito.

“Mas malaki po sana ang chance niya (Alden) kasi madalas kaming magkasama (sila ang partner sa Alakdana),” pagtatapat ni Louise.

***

MASAYANG-MASAYA si Jean Garcia dahil sa magandang rating ng “Time of My Life” sa role na ina ni Kris Bernal at isang mahusay na dancer.

Marami ang pumuri kay Jean dahil husay nitong sumayaw. Marami ang nag-flashback sa panahon na si Jean ang minsang nag-o-opening number sa show ni Vilma Santos. Na-link pa siya noon sa isang miyembro ng VIP Dancers. Naging suki rin si Jean ng mga dance shows, tulad ng Eezy Dancing ng Channel 5 at Keep on Dancing ng ABS-CBN.

Hilig ni Jean ang sumayaw kahit noong bata pa siya kaya kaagad niyang tinanggap ang role na Liza sa Time of My Life.

Anyway, na-relieve si Jean nang matapos na ang haka-haka na buntis ang kaniyang anak na si Jennica Garcia. Pinabayaan na kasi niyang magsalita ang anak para matapos na ang lahat.

“Nasa tamang edad na naman siya para ipagtanggol niya ang sarili. Nandito lang naman ako para i-guide siya sa tama. Ayoko namang maranasan ni Jennica ang narana- san ko noon.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply