FEU Tamaraws itinumba ng UP Fighting Maroons

ITINALA ng UP Fighting Maroons ang pinakamalaking upset sa kasalukuyang UAAP season nang bulagain ang FEU Tamaraws sa score na 76-63 sa Smart-Araneta Coliseum Huwebes ng gabi. Umangat naman ang Ateneo Blue Eagles sa 6-0 slate nang alisan ng pangil ang UST Growling Tigers 66-53.

Si sophomore Maroons Jett Manuel ay bumanat ng 20 puntos, 18 dito ay sa second half na nag-angat sa State University team sa 2-3 win-loss record na nagpaangat sa kanila sa ikaanim na puwesto ng 8-team standings kapantay ng UST Growling Tigers na pinaluhod naman ng Blue Eagles sa unang laro.

Labis ang kasiyahan ni Maroons coach Ricky Dandan sa malaking panalo nila. Maghaharap sa Linggo sa Smart-Araneta Coliseum ang University of the East Red Warriors at National University Bulldogs habang mag-aagawan sa ikaapat na panalo ang La Salle Green Archers at ang Adamson University Falcons na parehong tangan ang 3-2 slate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply