FG ilagay sa immigration watch list –Jinggoy

NANAWAGAN si Senate President Jinggoy Estrada sa Department of Justice at Palasyo na ilagay sa watch list ng Bureau of Immigration (BI) si dating First Gentleman Mike Arroyo upang matiyak na makadadalo ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang pagbili ng lumang helicopter noong 2009 sa PNP.

Naunang nagkasundo ang komite sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III na ipatawag si Mr. Arroyo kabilang ang accountant nito na si Rowena Del Rosario upang maipahatid ang kanilang panig hinggil sa naturang isyu.

Hiniling ito ni Estrada matapos ang testimonya ni Archibald Legaspi Po, may-ari ng Lion Air Inc. at Asian Spirit, na pag-aari ni Mr. Arroyo ang dalawang luma sa tatlong helicopter na binili ng Philippine National Police (PNP) noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Napatunayan ng komite ni Guingona na talagang pag-aari ni Atty. Arroyo ang dalawang lumang helicopter na pinalabas na brand new ng Manila Aerospace Property Trading Corporation bago bayaran ng PNP.

Inamin ni Po sa komite na bumili si Mr. Arroyo ng limang helicopter bago maghalalan noong 2004 saka makalipas ng ilang taon, inatasan siya na ibenta ang helicopter sa pamamagitan ng instructions na ibinigay sa pamamagitan ng telepono.

Sinabi pa ni Po na binayaran ni Mr. Arroyo ang lahat ng gastusin sa paggamit at iba pang bayarin sa pagmementeni ng chopper sa pamamagitan ni Del Rosario kaya kailangan na dumalo ang accountant sa pagdinig.

“In order to tie up all the issues together and put a closure on this controversy, it is therefore imperative that Mr. Arroyo’s presence at the next hearing and the subsequent hearings that the Senate will schedule is assured,” dagdag ng senador.

“I am therefore calling on Sec. Leila de Lima of the DOJ and Pres. Noy to immediately instruct the BI to place Mr. Arroyo in its watchlist,” anang Estrada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply