FG kakasuhan kahit di dumalo sa pagdinig

TINIYAK ni Sen. Franklin Drilon na direktang isasampa sa Office of the Ombudsman ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay dating first gentleman Mike Arroyo kahit hindi dumalo sa pagdinig ng Senado sa chopper scam.

Sinabi ni Drilon na may kapangyarihan at karapatan ang Senate Blue Ribbon Committee na direkang ihain sa Ombudsman ang kaso alinsunod sa kapangyarihan nito na magrekomenda ng kaukulang kaso sa sinuman.

“Sa akin may sapat nang ebidensya para magrekomenda ng kasong anti-graft,”ayon kay Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na magsasagawa ng sariling committee report at rekomendasyon ang komite kahit hindi makadadalo o hindi dadalo ang pamilya Arroyo na ibinandila ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na hindi ito dadalo sa pagdinig.

Tulad ng kanyang kapatid, nasa London ngayon si Rep. Arroyo na nagpapagamot.

“Wala tayong magagawa. Unang una si Iggy Arroyo ay nasa labas ng bansa at siguro bukas makikita natin yung report ng Senate-designated doctors kung ano talaga ang kondisyon ni Mike Arroyo,” ayon kay Drilon.

Hindi rin irerekomenda ni Drilon na magpalabas ng subpoena laban sa magkapatid na Arroyo dahil nauna nang sinabi nito na hindi sila dadalo sa pagdinig bagkus nagsampa ng kasong perjury laban kay Archibald Po, may-ari ng Lion Air Inc.

Ibinasura din ni Drilon ang panawagan na magkaroon ng hiwalay na imbestigasyon o magsampa ng kasong money laundering laban sa magkapatid na Arroyo hinggil sa sinasabing magpapadala ng kalahating milyong dolyar bilang down payment sa biniling limang helicopter sa US sa pamamagitan ng wire transfer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply