FG nasa HK para sa medical check-up; Senate hearing imposibleng daluhan

SUMAILALIM sa medical treatment sa Hong Kong si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ng abogado niyang si Atty. Innocencio “Toto” Ferrer Jr. na nitong Linggo pa nasa Hong Kong ang kanyang kliyente pero uuwi rin kapag nabigyan ng medical clearance ng mga doktor.

Nakadepende rin aniya sa mga doktor kung makadadalo si Arroyo sa pagdinig ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa bentahan ng segunda-manong helikopter ng Philippine National Police (PNP).

Binanggit ni Ferrer na na-stress si FGMA dahil sa cervical spine surgery sa asawa nitong si Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo noong Biyernes.

Ipinaalala ng abogado na sumailalim din dati sa maselang operasyon sa kanyang puso si FGMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply