FG pumalag sa Immigration watchlist order

INALMAHAN ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang inilabas na watchlist order laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa Atty. Inocencio “Toto” Ferrer, abogado ni Arroyo, gagawa sila ng ligal na aksyon dahil nilabag ng watchlist order ang Constitutional rights to travel ng kanyang kliyente.

Ani Ferrer, hindi pugante si Arroyo pero dahil sa inilabas na watchlist laban dito ay tila kriminal ito kung itrato.

Ipinagdiinan ni Ferrer na matagal ng nakatakdang magpatingin si Hong Kong ang kanyang kliyente at hindi nito tatakasan ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa helicopter anomaly.

Binuweltahan din ni Ferrer si Justice Secretary Leila de Lima nang sabihin nitong walang rekord sa Immigration ang dating First Gentleman nang umalis ito ng bansa noong Hulyo 31.

Ipinakita rin ni Ferrer ang luggage tag ng sinakyang airline, ang kopya ng pasaporte na may tatak ng arrival sa Hong Kong at resibo ng travel tax at terminal fee ni Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply