FG reresbak, Senate witness sasampahan ng perjury

SASAMPAHAN naman ng kasong kriminal ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang negosyanteng si Archibald Po, kaugnay sa pahayag nito sa Senado na pag-aari umano ng unang ginoo ang mga kuwestyonableng helicopters na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) sa halagang brand new.

Inihayag ni Atty. Toto Ferrer, ang abogado ni Arroyo, na pawang kasinungalingan umano ang mga pahayag ni Po sa harap ng mga miyembro ng Senate blue ribbon committee.

Iginiit pa ng Ferrer na dahil pangalan ng negosyante ang nakalagay sa deeds of sale, malinaw umanong pag-aari nito ang mga helicopters at hindi sa kaniyang kliyente.

Maalala na sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon, sinabi ni Po na nagpatulong umano sa kaniya noon ang unang ginoo para sa pagbili ng limang Robinson helicopter.

Nais ni Arroyo na idaan sa kompaniya ng negosyante ang importasyon ng mga ito para makalibre sa buwis.

Bagama’t nagkakahalaga lamang ng $95,000 ang bawat isa ng naturang mga choppers, pero naibenta umano ito ni Arroyo ng $350,000 kada isa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply