FG sa mga detractor: Di ko kayo uurungan

“HINDI ko kayo uurungan.” Ito ang banta ni dating First Gentleman Mike Arroyo laban sa mga detractor ng kanyang pamilya.

Sa kanyang arrival speech sa Ninoy Aquino International Airport Lunes ng umaga, binanatan ni Arroyo ang administrasyong Aquino na aniya ay nasa likod nang paglutang ng mga whistleblower para idawit ang kanyang pamilya sa patung-patong na anomalya.

Tinira rin ng dating First GEntleman si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan na siyang nag-ugnay kay Arroyo sa dayaan sa 2004 presidential elections at ang negosyanteng si Archibald Po, na nagsabing siya ang may-ari ng mga sugunda manong helicopter na binili ng Philippine National Police (PNP) sa presyong brand new.

Dakong alas-one ng umaga ng dumating ang dating Unang Ginoo mula sa Hong Kong kung saan ito nagpatingin ng kanyang karamdaman sa puso.

Sa bahagi ng kanyang statement, ipinaliwanag muli ni Arroyo na naka-schedule ang kanyang checkup noon pa at pinabulaanan na balak niyang takasan ang mga ikontrobesiyang kinasasangkutan niya at ng kanyang pamilya.

“This administration is hell-bent to make our lives miserable, by resorting to trial by publicity. That we are conveniently subjected to bad publicity.. To my detractors, I’m back,” ayon kay Arroyo. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply