FG sasabit sa suicide ng DBP legal counsel

NANINIWALA si Sen. Panfilo Lacson na may kinalaman si dating first gentleman Mike Arroyo sa multi-milyong anomalya sa Development Bank of the Philippines (DBP) na itinuturing na pangunahing dahilan kung bakit nagpakamatay ang legal counsel ng bangko.

Dahil dito, inihain ni Lacson ang resolusyon na inaatasan ang dalawang komite ng Senado na imbestigahan ang malawakang transaksiyong pinansiyal sa DBP na sangkot ang behest loans o katulad na kasunduan ng nakaraang administrasyon sa harap ng pagpapakamatay ni Atty. Benjamin Pinpin, legal counsel ng bangko.

Ayon kay Lacson, layunin ng Senate Proposed Resolution No. 553 na amendahan ang karta ng lahat ng government financial institution tulad ng DBP at Land Bank of the Philippines upang masugpo ang katiwalian at sipatin ang dahilan sa likod ng pagpapakamatay ni Pinpin.

Naniniwala ang senador na may kinalaman ang pagpapakamatay ni Pinpin sa ipinautang ng DBP sa Delta Ventures Resources Inc., sa halagang P600 milyon sa kabila nang umaabot lamang sa P650,000 ang paid-up capital ng kompanya na inaprubahan sa loob ng dalawang araw kahit di kumpleto ang papeles.

Sinabi ni Lacson na nangyari ang desisyon sa pag-aapruba ng naturang transaksiyon noong Abril 2009 hanggang Disyembre w2009 sa ilalim ng panunungkulan ni DBP President Reunaldo David na umuupong director ng PHILEX Mining Companya.

Kamakailan, inamin ni Roberto V. Ongpin, director ng PHILEX, na pawang above board ang pagbili at pagbenta ng shares ng kompanya ng DVRI at malapit na kaibigan siya ni Mr. Arroyo nang maganap ang transaksiyon.

Base sa karta ng DBP, may probisyon din na ipinagbabawal na ilantad o kontrolado ang paglalantad ng impormasyon sa ikatlong partido sa lahat ng financial transaction nito kaya nagkakaroon ng isang sitwasyon na pinapayagan ang ganitong maanomalyang transaksiyon na nababalot sa lihim na siyang nagiging sagka sa anumang imbestigasyon ng anomalya dahil limitado ang karapatan ng publiko na malaman o papanagutin ang responsableng opisyal.

“The stability and strength of the banking industry and government financial institutions is anchored on trust, particularly on the high standards of integrity and performance of its governing officers,” dagdag ni Lacson.

Aniya, kailangan magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon upang masinop ang katatagan ng industriya ng pagbabangko at government financial institution dahil mayroon pang mas malaking anomalyang pampinansiyal na kinasasangkutan ng ilang bangko at financial institution ng gobyerno na labag sa batas sa pagbabangko at anti-corrupt laws.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply