FG utak ng bentahan ng lumang chopper sa PNP

WALANG ibang itinuturo ang dalawang negosyanteng tumestigo sa Senado na tanging si dating First Gentleman Atty. Juan Miguel Arroyo ang utak ng maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa Philippine National Police (PNP) noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Sa kanilang magkahiwalay na testimonya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, itinuro si Mr. Arroyo na mastermind sa PNP chopper scam nina Archibald Legaspi Po, may-ari ng Lion Air Inc., at Hilario de Vera, may-ari naman ng Manila Aerospace Trading Corporation (MAPTRA).

Bago basahin ni Po ang kanyang affidavit, hiniling nito sa Senado na magkaroon ng immunity laban sa anumang legal na paglilitis ngunit inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat munang talakayin at pagdesisyunan ang kahilingan.

Ayon kay Po, inatasan siya ni Mr. Arroyo na bumili ng limang bagong helicopter noong 2003 para gamitin sa 2004 electon dahil narentahan na ni Fernando Poe Jr., ang lahat ng helicopter sa buong bansa.

“In 2003, FG asked me to facilitate the importation of 5 helicopters from Robinson by Asian Spirit, as a locator in Clark, and I agree to FG proposal, “ayon kay Po.

Aniya, makalipas ng ilang taon pagkabii ng helicopter, gusto nang ibenta ni Mr. Arroyo ang helicopter noong 2006 kaya’t inatasan siya ng unang ginoo na magkaroon ng panukala sa Air Link Inc., sa pagbili ng naturang sasakyan mula sa Asian Spirit na naunang bumili ng helicopter.

Sinabi pa ni Po na matapos maibenta ang helicopter sa Lion Air Inc., gusto naman ibentang muli ni FG ang sasakyan sa Manila Aerospace Trading Corporation (MAPTRA) sa halagang P1.4 milyon na hindi kasali ang buwis, duties at iba pang bayarin.

Ang modus ay natuklasan ng Senado na bumili ng limang helicopter si FG, saka ibinenta sa Lion Air Inc., at tuluyan nang ibinenta sa MAPRA na ibebenta naman sa PNP noong 2009.

Sa huling bahagi ng Disyembre 2006 naideliber ang dalawang helicopter sa MAPTRA at wala na umano siyang nalalaman kung ano ang nangyari dito pagkatapos nito.

Ayon naman kay De Vera, lumantad siya upang ibigay ang buong katotohanan kahit pa may pagbabanta at manganganib ang kanyang buhay at buhay ng pamilya kabilang ang pagkawala ng kasosyo at kaibigan sa industriya ng kalakalan ng helicopter.

Sinabi pa ni De Vera na inamin sa kanya ni Po na talagang magiging negotiated bidding ang supply contract dahil iyon ang gustong mangyari ni FG dahil gusto nitong ibenta ang kanyang mga helicopter sa PNP.

“I was told by  Mr. Po that he has instruction from FG, by saying “na  yan ang gusto ni FG na itulak ang pagbebenta ng kanyang helicopter,” ayon kay De Vera.

“Kinausap ko siya (Po) na bakit puro pre-owned, bakit hindi bago, sinabi niya na kakausapin niya (Po)  si FG upang makapagbenta ng isang bago naman para sa PNP,” dagdag pa ni De Vera.

Kinabukasan ng September 23, 2009 matapos nitong makuha ang purchase order, nagpunta siya sa tanggapan ni Po upang ibalita ang pangyayari.

“Kinabuksan,. Nagpunta ako sa Lion Air, at sinabi ko kay Mr. Po na chief, may purchase order na kami,” ayon kay De Vera.

Aniya, tanging tugon ni Po na   “congrats, Okay na yan, ayun naka-ready na ang dalawang helicopter.”

Ngunit, nangamba si De Vera sa naturang bentahan dahil nakatala sa purchase order na dapat brand new ang helicopter na nakuha nito matapos magbayad ng 50% ang PNP bilang initial payment sa bentahan.

“Kahit ano i-deliver mo sa kanila, walang magtatanong sa iyo kasi may instructions na si FG sa kanila,” ayon kay De Vera saka hiniling ni Po sa kanya ang 50% ng kinita niya sa bentahan na umaabot sa halagang P3,505,00 base sa tsekeng ibinigay nito mula sa Allied Bank.

“Kinabuksan dumating ang inspection team, tinignan at nag-inspect ang team, matapos ang inspection at pagpapalipad, iniwan ang 2 helicopter, at nagpunta kami sa hangar ng MAPTRA and  they signed the delivery receipts No. 2633 for the two helicopter under Registry Number 1372 at  1374,”  ayon kay De Vera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply