Fil-Am natagpuang patay sa loob ng motel

BANGKAY na nang madiskubre ng personnel ang isang Filipino American sa ibabaw ng kanyang kama sa loob ng isang motel kahapon ng umaga (Sabado, Agosto 21) sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa, ang biktima na si Carlo Alfio Dulalas, 34, tubong New York USA at residente ng #12 Damortis st., Damar Village, Quezon City.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay dakong alas-10:00 ng umaga sa room #12 ng Gran Polo Motel na matatagpuan sa Marcos Highway, Masinag Junction, Barangay Mayamot, Antipolo City.

Ayon sa rekord ng nasabing motel, dakong alas-2:53 ng madaling araw ng dumating ang biktima sakay ng puting Isuzu van (ZBW-653) at okupahin ang nasabing kuwarto.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang mag-wake-up call ang front desk sa kuwarto ng biktima subalit walang sagot at muling tinawagan dakong alas-7:00 ng umaga at alas-10:00 ngunit wala pa ring sagot.

Dito na pinuntahan ng mga personnel ng motel ang kuwarto ng biktima at nang silipin ay nadiskubre na wala na itong buhay at nakahiga sa ibabaw ng kama.

Walang iniulat kung mayroong kasama ang biktima nang ito ay mag-check-in sa nasabing motel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply