Filipino panalo sa Asian Karting!

NAKAMIT ni Estefano Rivera ng Fern-C Racing Team ang kampeonato para sa Pilipinas sa 2nd round ng Asian Karting Open Championship (AKOC) na ginanap sa Carmona Circuit Philippines sa Carmona, Cavite noong Linggo.

Sa simula ay sa ikatlong posisyon lamang ang tinatahak ng 13-anyos na si Rivera nang agad itong umusad patungo sa unahan pagkalagpas lamang ng 1st lap at hindi na siya nagpatinag hanggang tumawid sa checkered flag na nakalamang ng 9.3 segundo sa pumangalawang si Daim Hisshamudin ng Singapore.

Ang panalo ni Rivera sa 22-lap race ng Formula 125 Open Junior class ang nag-iisang panalo ng Pilipinas noong araw na iyon. Kinakitaan naman siya ng malaking potensyal ng kanyang coach na si Edgen Dy-Liacco

“Malaki pa ang potensyal ng bata at malayo pa ang mararating niya dahil masyado siyang dedikado sa pag-eensayo,” sabi ni Dy-Liacco.

Samantala, sa Formula 125 Open Seniors class ay pumangalawa ang isa pang Filipinong si Alessandra Madrigal ng Alsessandra Racing.

Ang 2nd place finish ni Madrigal ay isang malaking karangalan din para sa bansa lalo na’t siya’y nagsimula sa ika-17 pwesto na may kabuuang 28-lap race. Ang nag-uwi ng kampeonato ay si Andrew Tang ng Kartronix International mula sa Singapore.

Malaki ang iginaling ni Madrigal na ngayo’y sa Estados Unidos na namamalagi at patuloy pa rin ang pagtatagumpay sa larangan ng go-kart doon na patunay lamang sa pagbibigay niya ng karangalan sa Pilipinas.

Ang 2nd round ng AKOC ay suportado ng Petron, San Miguel Corporation, Yokohama, Denso Iridium Power, Vivere Hotel, Motorstar Eastway, Stoplight TV, Inside Motoring, Pinoy Speed at ng Philippine Sports Commission sa ilalim ng Commission International de Karting (CIK) at ng Automobile Association of the Philippines (AAP).

Ang 3rd leg ng AKOC ay gaganapin sa bansang Indonesia sa Oktubre 1-2, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply