Filipino ‘wag ipagbawal sa eskwelahan – solon

ISINULONG ng isang kongresista ang imbestigasyon sa mga paaralan na nagpaparusa sa mga estudyante na nagsasalita ng Filipino o anumang lokal na salita.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” ngayong Agusto kung kaya inihain ni Kabataan Party-list Rep. Raymond “Mong” Palatino ang House Resolution No. 1567.

“Our country has a rich collection of languages that should be preserved. We understand the importance of English in today’s world. But our country’s attempt to integrate in this globalized community of English tongues should not be done at the expense of our vernaculars,” sinabi pa ni Palatino.

Binanggit pa ni Palatino na may ilang paaralan ang nagpapamulta o binabawasan ang grado ng mga estudyante sa tuwing magsasalita ng Filipino o lokal na dayalekto dahil sa “colonial attitude.”

“Language is not just a means for communication; it is likewise a double-edged weapon used for repression and emancipation,” aniya.

Hindi umano dapat ituro sa mga kabataan ang pagmamaliit sa sariling wika dahil ito ay nagpapababa rin sa sariling pagkakakilanlan.

“I am afraid that with the current English teaching practices in our schools, we are unwittingly reinforcing the colonial setup that treats our local cultures as inferior to that of the West,” ani Palatino.

Ipinaliwanag pa ni Palatino na kinakailangang matuto ang bawat mag-aaral ng pagsasalita ng English, subalit hindi dapat mangahulugan ito na kalilimutan na ang sariling dayalekto.

“The high functional illiteracy among our people, where language plays a crucial role, is enough for us to rethink our teaching methods with regard to English,” aniya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply