Final tune-up games ng Smart Gilas Pilipinas

SUSUBOK muna ang Smart Gilas Pilipinas kontra Jordan at Qatar nationals bilang pinal na tune-up games bago tumulak sa Wuhan, China para sa FIBA-Asia Championship na gaganapin sa Setyembre 15-25.

Ang mga nakapormang laro ay ang kauna-unahang paglahok ng mga reinforcement na sina Ranidel de Ocampo, Kelly Williams at Jimmy Alapag na hinugot sa Talk N’ Text para mapabilang sa national team subalit opisyal na sasabak ang tatlong premyadong players ng Tropang Texters sa Agosto 29 para makapagpahinga pansamantala kasunod ng nakapapagod na kampanya sa PBA Governors’ Cup na kung saan nakuha nila ang runner-up honors na pinagtagumpayan ng Petron Blaze Boosters.

Makalawang ulit na nakalaro ng Smart Gilas ang Jordan nationals na pinagwagihan ng tropa ni coach Rajko Toroman ang una sa score na 76-74 sa 22nd Fiba-Asia Champions Cup noong Hunyo. Nakabuwelta ang Jordanians sa Pinas sa William Jones Cup sa Chinese Taipei eliminations sa score na 76-72, kung saan pinasadlak ng Qatar team sa ika-apat na pwesto ang Smart Gilas sa Fiba-Asia Champions Cup sa score na 71-64.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply