‘Fit for School’ program gagawing modelo ng ibang bansa

SIMPLE at murang programa para sa kalusugan ng Department of Education (DepEd) ang naging modelo para sa Timog Silangang Asya ng kani-kanilang kagawaran ng edukasyon.

Ang “Fit for School” program na nagtuturo sa mga mag-aaral na maghugas ng kamay at magsipilyo ng ngipin araw-araw ay nais gayahin ng ibang rehiyon sa Asya bilang best-practice initiative sa kanilang edukasyon.

Ang  matagumpay at epektibong pagpapatupad ng nasabing programa ng DepEd, mga LGUs at ng German Agency for International Cooperation ay ipinakita sa unang International Training sa nabanggit na programa na dinaluhan ng 25 mga opisyal mula sa Laos, Cambodia, Indonesia at Pilipinas.

Interesado umano ang mga nabanggit na bansa sa ginagawa ng Pilipinas ayon kay Dr. Bella Monse, executive director ng Fit for School Philippines dahil nahaharap din umano ang mga ito sa katulad na suliranin sa kalusugan.

Ang ideya umano ng programa ay ang gamitin ang matagal ng subok na ugali sa kalusugan tulad ng paghuhugas ng kamay at pagsisipilyo upang maiwasan ang mga sakit at gawing bahagi ng araw -araw na gawain sa paaralan ang mga ito.

Dahil dito, tumanggap ang programa noong 2010 ng Dr. Edward B. Shills Entrepreneurial Education Award, isang American award para sa transformational leadership.

Nabawasan umano ang mga lumiliban sa klase simula ng magkaroon ng ganoong programa dahil bihira na ang nagkakasakit at sumasakit ang sirang ngipin. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply