Flood control and emergency response monitoring system bubuksan

BUBUKSAN ngayonng Miyerkules, Agosto 3, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang flood control and emergency response monitoring system upang lalong mapalakas at mapabilis ang pagresponde sa mga lugar na binabaha kapag may mga pag-ulan at bagyo sa kalakhang Maynila.

Nabatid na state-of-the-art ang nasabing pasilidad na tinawag na Metro Manila Flood Information and Control Center na magiging tanggapan ng Metro Disaster Risk Disaster Coordinating Council

Tinitiyak ng MMDA na maihahatid sa publiko ang  eksakto at sa aktuwal na oras ang mga impormasyon ng mga binabahang lugar na kanilang mamomonitor para sa mabilis na pagresponde ng mga kinakauukulang ahensya at makapagbigay din ng babala sa publiko.

Pangungunahan nina MMDA chair Francis Tolentino, Dept of Science and Technology Usec. Graciano Yumul, mga kinatawan ng Department of National Defense at ng Metro Manila mayors ang pagpapasinaya ng nasabing monitoring center na gagawin mamayang alas-11:00 ng umaga sa punong
tanggapan ng MMDA sa Makati City. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply