FOI Bill di kasama sa Ledac meeting bukas

HINDI pa tiyak kung maisasama ng Malacañang sa priority bills na tatalakayin sa Ledac meeting bukas, Martes, ang Freedom on Information (FOI) Bill.

Nitong nakaraang Biyernes, tumagal ng apat na oras ang Pangulong Benigno Aquino III at mga miyembro ng Gabinete sa pagsasapinal ng mga itutulak na panukalang batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais ni Pangulong Aquino ng mas mahabang panahon upang mapag-aralan ang nasabing panukala.

SInabi na Lacierda, marami pang katanungan ang Pangulo kaya’t ibinalik ang panukala sa kinauukulang Cabinet cluster.

Gayunman, sinabi ni Lacierda na hindi rito nagtatapos ang kapalaran ng FOI Bill.

Aniya, marami pang debate at marami pang LEDAC meeting kung saan ito maaaring maisama.

Anbi Lacierda, naniniwala si Pangulong Aquino na maipapasa ito sa loob ng kanyang administrasyon at nagkakaroon lamang ng “final touches” bago itulak sa Kongreso.

“The President wants more time to study the bill,” wika ni Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply