FOI Bill gagalugad sa mga kawatan at mandarambong

ILANG kritiko ng gobyernong Aquino ang nagsabi na sinadyang hindi banggitin ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas na Freedom of Information (FOI) sa 2nd na State of the Nation Address noong nakaraang linggo.

Ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa, hindi iniiwasan ni PNoy ang maselang panukala kundi nais lamang nitong mabalanse ang FOI bill  sa karapatan at kapakanan ng gobyerno hinggil sa pangangalaga sa mga sensitibong impormasyon.

Sinabi ni Ochoa na walang balak ang gobyerno na supilin ang karapatan ng mamamayan sa impormasyon dahil tuluyan lamang na mawawakasan ang mga katiwalian at pandarambong kung bukas sa publiko ang mga transaksyong pinapasok ng gobyerno.

Ani pa ni Ochoa, kung ang mamamayan ay armado ng mga tumpak at wastong impormasyon, magagawa nila na aktibong makisangkot sa mga usaping maaring makaapekto sa kanila at sa bansa at sila na rin mismo ang gagawa ng mga hakbang para tugunan ang mga ito.

Idinagdag pa ng ‘Little President” na hindi na magiging madali para sa mga tiwali at mandarambong na maisagawa ang kanilang maling nasa dahil palagi nang may mga matang nakatingin sa kanila.

GUSALING MAHALAY SA CHINATOWN

Muli nating silipin ang Lido de Parish KTV sa Sta. Cruz, Manila na nagiging “front” ng prostitution sa Chinatown
area.

Malakas at hindi mapatigil ang prostitution sa ‘makasalanang gusali’ dahil sa bagyo raw ito sa city hall at MPDPS 11.

Sa loob ng mga vip room ng Lido de Parish KTV ay pwede ng maka-quickie sex ng kostumer ang kaparehang GRO sa halagang P3500.

Pwede ring ibar-fine ng mga parokyano ang kanilang pakner sa motel nito.

oOo

Anomang mga reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply