FOI Bill marami pang problema– PNoy

IDINEPENSA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung bakit hindi naisama sa Ledac meeting ngayon, Martes, ang kontrobersyal na Freedom of Information Bill.

Sa ipinatawag na press conference, sinabi ni Pangulong Aquino na marami pa siyang katanungan sa ilang probisyon ng panukalang batas.

Aniya walang problema sa kabuuan ng FOI Bill ngunit ilang detalye umano ang pumapatay sa panukala.

Sinabi rin niya na ganito rin ang palagay ng ilang mambabatas.

Dapat umanong mayroong balanse ang karapatan sa impormasyon at hanggang saan ang maaaring ibahagi sa publiko.

Gayunman, umaasa si Pangulong Aquino na maaayos ang bersyon sa lalong madaling panahon upang maipasa ito sa kanyang administrasyon.

Idinagdag din ng Pangulo na kahit di pa batas ang FOI Bill ay pina-practice na kanynag administrasyon ang prinsipyo nito dahil aniya, transparent sila sa mga transaksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply