FOI bill sa Kamara hindi pa umuusad

INAMIN ng chairman ng House Committee on Public Information na hindi pa umuusad ang pagdinig sa Freedom of Information (FOI) bill sa Kamara dahil hinihintay pa ang bersyon ng Malakanyang.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, chairman of the committee on public information, pagsasayang lamang sa oras at pagod ng mga kongresista sa pagtalakay ng nasabing panukala kung mababasura lamang ang ipapasang panukala sa sandaling hindi ito angkop sa kagustuhan o bersyon ng Malakanyang.

“Maybe what we will approve is different from their version, so why risk it?  If we force this, we will have more problems,” ayon sa mambabatas.

Sa ginanap  na pagdinig ng  Presidential Communications Operations Office (PCOO), sinabi ni Secretary Herminio Coloma na dina-draft pa ng Palasyo ang kanilang bersyon sa FOI bago isumite sa Kongreso.

Sinagot naman ni Bayan Muna partylist Rep Teddy Casino na importanteng magkaroon ng balansing karapatan na mahalaga sa demokrasya kaya dapat lamang na umusad na ang pagtalakay sa komite habang hinihintay ang pinahihintay na bersyon  mula sa  Palasyo.

Ayon kay Evardone, ninanais ng Malakanyang na isali ang probisyon sa panukala ang hindi pagbibigay ng impormasyon na makapagpapahamak sa national interest.

Umaasa naman si deputy speaker Lorenzo Tanada III na maipasa ang FOI sa Oktubre.

Ang  FOI bill ay makapagbibigay ng access sa mamamayan para sa mga dokumento sa gobeyrno kabilang na ang mga pinasok na kontrata sa sandaling pormal na hingin ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply