FOI prayoridad vs corruption

TINIYAK ni Sen. Alan Peter Cayetano na bibigyan ng prayoridad ng Senado ang Freedom of Information (FOI) bill kahit di isinama ng administrasyon sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bilang sistema laban sa korapsiyon.

Ayon kay Cayetano, nagkaroon ng malusog na hakbang ang pagsusulong ng FOI bill dahil maraming mambabatas ang gustong maipasa ngayon ang panukala taliwas sa nakaraang administrasyon  na pinipigilan ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Cayetano na mahalaga ang FOI upang tuluyan nang masugpo at mapigilan ang katiwalian at anomalya sa pamahalaan dahil magkakaroon ng access ang publiko sa lahat ng impormasyon hinggil sa transaksiyon sa gobyerno.

Aniya, kapag naisabatas ang FOI, makakakuha ang sinuman ng dokumento sa pamahalaan kabilang ang lahat ng proyekto at gastusin ng partikular na ahensiya o proyekto na puwedeng suriin ng taumbayan kung legal ang ginagawa.

“Kapag  may Freedom of Information, kahit sino na sa atin makakakuha ng impormasyon. ‘Yung iba, hindi na kailangan mag-apply, sa internet pa lang, makukuha mo na ang dokumento. Kaya sa mga nagbabalak pa lang gumawa ng masama, mag-iingat na kasi alam nilang ang lahat ng dokumento, makikita ng taong-bayan,” ayon sa senador.

“Pangalawa, ang lahat ng desisyon ng bansa, hindi mo sasabihin na pulitiko na lang ang magdedesisyon. Kasi, informed na din ang publiko kung paano magdesisyon at ano ang impormasyon na mayroon  ang mga decision makers,” dagdag ni Cayetano,

“Kaya mahalaga ang impormasyon. Kasi madalas natin marinig na ang mga botante naman hindi pa mature. Hindi po totoo ‘yon. Kaya lang, ang mga pulitiko, sila lang ang may access sa impormasyon, ‘yung mga data para magdesisyon. ‘Yung mga tao, wala. Kaya bigyan din natin ang mga tao ng access and let’s trust their judgment,” matapos ng senador mulang Taguig City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply