FPI nagbabala sa patuloy na operasyon ng ‘ukay-ukay’

NAGBABALA ang Federation of Philippine Industries (FPI) laban sa mga local government officials na nangungunsinti sa patuloy na operasyon ng “ukay-ukay” sa mga nasasakupan nilang lugar.

Iginiit ni FPI Chairman Jesus Arranza, labag sa batas ang ukay-ukay dahil pinapatay nito ang local garments industry sa bansa.

Kinukuwestiyon din ng opisyal kung paano nakapapasok sa Bureau of Customs (BoC) ang mga segunda manong damit dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

Base sa Republic Act 4653, ang mga opisyal ng gobyerno na nagpapahintulot ng ganitong uri ng negosyo ay papanagutin sa batas.

Partikular na tinukoy dito ni Arranza ang Baguio City, Quezon City at maging ang Pasay City, ang mga tinaguriang “ukay-ukay hot spots.”

Sinabi pa ni rranza na kailangan na mayroong business permit ang mga ukay-ukay establishments dahil aniya kung wala ay mapipilitan silang kasuhan ang mga negosyante nito maging ang mga mayor ng siyudad kung saan ito nakatayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply