Franchine Prieto, Bobby Yan parang aso’t pusa

HULI nating napanood sa telebisyon si Francine Prieto sa pamamagitan ng teleseryeng “Imortal.” Pagkatapos nito ay hindi na siya uli naging visible sa boobtube o maging sa pelikula o shows.

Nabalitaan pa natin na nagbenta siya ng mga gamit sa bahay dahil sa kakapusan daw niya ng pera dahil nga sa kawalan niya ng pagkakakitaan.

Pero wala na ang kanilang ina na namatay sa sakit na cancer (nauna ang ama na cancer din ang ikinamatay), bakit hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakababawi sa problemang pinansiyal ang magandang dalaga?

Noon ay matagal talagang naghirap financially and emotionally ang huli nang magkasakit ng cancer ang kanyang inang si Amelia Falcon. Pati bahay yata nila ay naibenta. Nagkaroon pa ng sigalot ang pamilya dahil hindi makasundo ni Francine ang kapatid nitong si Shiela dahil hindi raw tumutulong sa pagpapagamot sa kanilang ina.

Nangyari ang lahat nang problema ni Francine habang nakakontrata siya sa GMA-7, na hindi raw nakapagbigay ng suporta sa kanya habang pinoproblema niya ang pagpapagamot sa ina, kaya napilitan siyang lumipat sa ABS-CBN.

Hindi rin naman naging matagumpay sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network si Francine dahil hindi naman ganun karami ang naging proyekto niya rito. Ang maganda lang, may permanente siyang programa sa DZMM kasama si Bobby Yan bilang co-host.

Iyon nga lamang, madaling araw na ang show nila.

Minsan lang naming napakinggan sa ere sina Ms. Prieto at Mr. Yan. Ang tema ng programa nila ay tumatalakay sa mga problema sa puso kung saan nagbibigay sila ng advice sa mga caller.

Ang nakatatawa naman, binibigyan nila ng solusyon ang problema ng iba, pero silang dalawa ay may problemang hindi raw maayos-ayos. Parang mga aso’t pusa raw ang mag-partner sa radyo. Talakan nang talakan daw ang dalawa kapag off-air.

Kung anu-ano raw ang idinadaldal ng matangkad na dalaga. Maging ang mga sikretong bagay na dapat sila ni Bobby lang ang nakaaalam ay naririnig pa ng iba (staff at mga tao sa technical side).

Dahil sa madalas daw na ratratan ng mga bibig ng dalawang ito, nabuko tuloy na may relasyon pala sila.

Giatay!

Ano ba ang pinag-aawayan nila? Sila naman ang magkasama gabi-gabi.

Nagseselos ba si Francine? Balita natin masyado raw matikas at matulis sa tsik itong si Bobby. Hehehe!

***

Paris Hilton imi-meet ni PNoy; Georgina Wilson nagselos

HINDI raw malaman ng ilan nating readers kung bakit nagpost ng kanyang mga mensahe sa Twitter account si Georgina Wilson kung saan nagtataray daw ito at sinasabing mali daw na i-meet ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino si Paris Hilton dahil hindi raw tama na pag-aksayahan ng oras ng isang presidente ang socialite at hotel heiress.

Ani Georgina, nakahihiya raw kung gagawin ito ni PNoy sa gitna ng kanyang busy schedules.

Siguro naman alam na natin kung ano gustong tumbukin ni Ms. Wilson. Ang tanong, may K ba siyang saklawan ang kung ano mang gustong gawin ng ating Pangulo sa kanyang buhay?

Dahil sa mga komento ng magandang modelong ito against PNoy, umani siya ng katakut-takot na negative remarks. Anila, arrogant, bitter at hater daw ang dalaga.

Baka nga nagseselos lang daw siya. Siya raw siguro ang nag-iilusyong i-meet ni Mr. President. Hehehe!

Samantala, ‘yung tuwa at sayang naramdaman ni Paris dahil sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Pinoy sa Airport pa lang ay napalitan ng pagkainis dahil dalawang cell-phone niya ang nawala.

Hindi naman niya matukoy kung sa Dubai airport ito nawala, sa loob ng eroplano o sa pagbaba sa NAIA ito nadekwat.

Naku, nakahihiya, baka akalain ni Hilton eh, mga dekwatero tayo. Pahulaan n’ya kaya kay Madam Auring baka sakaling matagpuan pa. Hahaha!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply