Frayna nagpasiklab agad sa World Junior Girls C’ship

NAGPARAMDAM agad ng lakas si Far Eastern University-FERN (FEU-FERN) bet Woman National Master (WNM) Janelle Mae Frayna matapos magwagi sa pagbubukas ng SDAT-RAMCO 50th World Junior at 29th Junior Girls Chess Championships sa Hotel Vijay Park sa Tamil Nadu, South India (Chennai, India) Martes ng gabi, Agosto 2.

Dinurog ni Frayna si Chandika Divyasree ng India tangan ang disadvantageous black pieces sa prestihiyosong torneo na inorganisa ng All India Chess Federation at sanctioned ng World Chess Federation (FIDE).

Nabigo naman si San Sebastian College ace Fide Master Mari Joseph “MJ” Turqueza matapos matalo sa kanyang first-round match kontra kay Grandmaster Nils Grandelius ng Sweden tangan ang puting piyesa.

Tatangkain ni Turqueza na makabalik sa kontensiyon sa pakikipagsagupa kontra kay Chaithanyaa K G ng India sa second round habang makakaribal naman ni Frayna si Tokhirjanova Hulkar ng Uzbekistan.

Ang iba pang notable winners sa Open division ay sina second seed GM Sanan Sjugirov  ng Russia na dinurog si FM Julian Antonio Rojas Alarcon ng Mexico, third seed GM Ivan Salgado Lopez ng Spain na pinadapa si Deepak Aaron ng United States, fourth seed GM Aleksandr Shimanov ng Russia na winasiwas naman si Zan Tomazini ng Slovakia at fifth seed GM Tamir Nabaty ng Israel na ibinasura si Eken Kozganbayev ng Kazakhstan. Nakapuwersa naman si FM Rajesh V A V ng India ng tabla kontra kay top seed GM Maxim Matlakov (ELO 2632) ng Russia.

Samantala, namayani naman si No. 1 seed Woman Grandmaster (WGM) Nazi Paikidze ng Georgia kontra kay Maria Gevorgyan ng Armenia para manguna sa Girls U20 division.

Ang country’s best finish sa nasabing torneo ay itinala ni GM Rogelio “Banjo” Barcenilla, Jr. na nakopo ang bronze medal sa 1991 event sa Mamaia, Romania. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply