Freedom of expression ng ‘Kulo’ ipinaglaban

HINDI natinag ang ilang artists at miyembro ng board ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag sa pamamagitan ng iba’t ibang likha tulad ng ipinaradang “Kulo” exhibit kamakailan.

Sa una at huling pagdinig ng Senate committee on education and culture at committee on public information and media na nag-iimbestiga sa kontrobersiyal na “Kulo” exhibit, tumindig ang mga artist at board member laban sa censorship na ginawan ng pamahalaan dito na tinagurian nilang pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag na itinakda sa Saligang Batas.

Idinagdag pa ni Abrera na hindi siya magpapadali sa panawagan ni Sen. Jinggoy Estrada na magbitiw sa Board ng CCP.

Iginiit naman ni Carolyn e. Espiritu, bagong miyembro ng Board na hindi dapat pumaloob ang CCP sa self-censorship  dahil hindi tamang gawin ang ganito na siyang nagpapalusaw sa kahalagahan ng freedom of expression.

Sinabi naman ni Dr. Abdulmarui Asia Imao, national artist for visual arts na hindi dapat sisihin ang CCP sa Kulo exhibit dahil masyadong mahirap sa komunidad ng mga artist na magkaroon ng total control sa tungkulin ng ahensiya at exhibition ng iba’t ibang disiplina sa CCP.

“Hindi bibinigyan ng limitasyon ang imagination,” dagdag niya.

Aniya na mas mahalaga ang paglalahad ng imahinasyon kaysa sa anumang bagay.  “Without art para tayong patay. Malaking bagay sa atin ang mga artists, I am speaking for artists. And I am very proud na marami tayong artist, kaya magpasensiya na tayo at huwag natin masyadong pagalitan (ang CCP).”

Iginiit din ng Palayin ang Sining, isang grupo ng artist na lumahok sa naturang exhibit na dapat itaguyod ng CCP ang pagiging kampeon nito sa kalayaan sa pamamahayag.

Idinagdag pa niya na “The closure of the exhibit is a curtailment of the freedom of arists to artistically express themselves and prevents the people from seeing the “Kulo” artworks and objectively and independently deciding for themselves what they think of these.’

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply