Game 1 ng best of 7 finals nakuha ng Petron Blaze

NAIREHISTRO ang panalo ng Petron Blaze Boosters sa Best of 7 finals nang ungusan sa napakanipis na 89-88 ang Tropang Texters sa finals sa PBA Governors Cup sa larong idinaos sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Ang banggaan ng Boosters at Tropang Texters ay maituturing na isa sa pinakamagandang laro sa kasalukuyang komperensiya na natapos sa huling minuto na kung saan ay nagpalitan ng abante ng isang puntong kalamangan ang dalawang koponan.

Tila nabalahibuan ng Boosters ang Tropang Texters kasunod ng naunang panalo nito noong Mayo 9 sa iskor na 101-96 na sinundan ng 98-83 noong Agosto 7 at ang pinakahuli ay ang 89-88 kamakalawa.

Matapos maghabol sa unang tatlong quarters ang Boosters, lumuwag ang depensa ng tropa ni Chot Reyes para makadikit ang bataan ni head mentor Ato Agustin.

Si veterean Danny Ildefonso ang unang nakagawa ng kalamangan sa 87-86 bago kumana si Ryan Reyes para makaungos ang Texters 88-87. Sa huling limang Segundo ay muling nakasilip ng butas si Ildefonso mula sa gilid ng court para maibuslo ang huling dalawang puntos na naghatid ng panalo sa Boosters.

Magbabalik sa Miyerkules, sa Smart Araneta Coliseum ang second game sa best of 7 title series kung saan naghahanda ng todo ang Tropang Texters para maipantay ang serye.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply