Garci umalma sa watchlist order ng DoJ

HINAMON ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano ang Department of Justice (DoJ) na patunayang “flight risk” siya kasunod ng watchlist order na ipinalabas laban sa dating poll official.

Nilinaw ni Garcillano na bagama’t wala naman siyang balak na lumabas ng bansa, dapat umanong ipaliwanag ni Justice Sec. Leila de Lima kung bakit naglabas siya ng nasabing kautusan.

“Watchlist lang iyan. They could not prevent me from leaving the country. They should justify that I cannot leave the country. Ako, hindi ko naman kinokontra iyan eh, anyway I do not intend anymore to violate that because I am enjoying my retirement here in the farm.. sana naman, let us co-exist peacefully,” ani Garcillano.

Ang watchlist order ay ipinalabas ni De Lima sa harap na gagawing imbestigasyon ng DoJ at Comelec kaugnay sa nangyaring dayaan noong 2004 presidential elections.

Pero ayon kay Garcillano, wala siyang kinalaman sa sinasabing anomalya sa halalan.

“Inuugnay nila, wala naman silang ano eh.. na-dismiss na ang kaso ko noon, pagkatapos naimbestigahan na kami noong 2004 at 2005. Everything should be referred to the record of Congress, if they really wanted to find out,” giit pa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply