Garcia sa GSIS kasuhan; Namamaho na basura

BIGYAN naman po natin ng daan na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang pananaw sa mga nagaganap sa paligid.

GARCIA SA GSIS KASUHAN DIN

GOOD am idol. Taga Post Office po ako. Sana makasuhan din si ex-gsis President Winston Garcia, dapat maimbestigahan din. Hindi  kami maka-loan na mahihirap hanggang ngayon. Sana gawing SOP ang lahat ng jeepney operator at driver na pauupuin muna ang mga pasahero bago iarangkada ang kanilang mga jeepney para hindi madisgrasya ang mga ito.

Napakaraming driver ang walang briefing at modo. Sec. Francis Tolentino, ng MMDA, pakiaksyunan po. Isa pa, bakit po sinasarhan ang mga public elementary school sa mga late na estudyante? Mayroon bang ganitong patakaran ang Department of Education? 939397

PAGING DOH SEC. ONA

Department of Health, bakit naman pati amoxicillin at antibiotic ay kailangan pa ang reseta ng doktor. Pahihirapan ninyo ang mahihirap niyan. 930950

DISIPLINA NG MAY SASAKYAN

Sec. Francis Tolentino ng MMDA. Dapat po may rules and regulations sa lahat ng driver ng bus at trucks. Dapat po na sila ang iiwas sa mga maliliit na sasakyan para walang aksidente. Sa Malaysia, Amerika at Japan, yung mga malalaking sasakyan ang umiiwas sa maliliit. Dito sa Pinas, napakarami ang walang modo na driver. 930950

NAMAMAHO NA SA BASURA

Good am, Boss Benny, 3 weeks na pong walang  naghahakot ng basura rito sa resettlement site, Brgy. Gaya-Gaya San Jose del Monte, Bulacan.

Namamaho na po kami rito. Tulad ko, 3 sako na ang basura ko. Yung iba, nagtatapon na lang ng basura sa ilog kahit alam nilang bawa. No choice na po eh. Tinitiis ko na lang po ang baho at hindi ako nagtatapon ng basura sa ilog dahil bawal. Di ko po alam kung sino ang dapat na kalamparin o bulabugin: ang developer o ang National Housing Authority.

Kasi walang pakialam ang mga ito. Kapag kinalampag naman sila, galit na galit naman sila. Lalaitin ka mula ulo hanggang paa. Rodel Navelgas. 908638

HOLDAPER, ISNATSER KALAT SA MANILA

Pakigising ang mga pulis sa Police Station 2 ng Manila Police Department sa Abad Santos Avenue, Manila. Ang daming holdaper, isnatser, at islaser sa lugar nyo. Lalo na sa malapit sa Shell, 7 Eleven at Jollibee. Mayor Lim alaga yan ng mga pulis mo. 907195

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply